I want to serve

Josephine Safra at the Festival of Learning Tulay Paco 2019
Ate Josephine in the Festival of Learning Tulay Community

The Festival of Learning and Me 

By Josephine Safra 

It is no secret to my co-facilitators that I am a new to the Festival of Learning (FOL). I only started to join and conduct my own workshop.

I am happy to join the longtime facilitators who I looked up to as my teachers and trainors. As they say “A good leader is a good follower.”  Whatever they tell me, I follow. I notice my workshop is turning out well. In a short period of time, I have learned a lot from the facilitators, volunteers and ATD friends. 

My husband asked me why I joined ATD.  

“I am happy in ATD with the volunteer facilitators. I want to serve people. If you serve people, you serve God.”

So, I feel at ease to share my knowledge to people particularly the youth. It is second nature for me to serve my fellowmen since I have been a councilor in the barangay’s education committee for a decade. Now, I am part of the FOL and I will never forget this. 

How about YOU? Do you want to be a part of ATD’s Festival of Learning?

Ate Josephine with her co-facilitators

Josephine Safra is a grandmother living in the Tulay, Quirino Avenue, Manila community. She loves to write and this is her first article contribution.

Gusto ko maglingkod

Ako at ang Festival of Learning

Mula kay Josephine Safra 

Hindi lingid sa inyong mga facilitator na bago lang ako sa Festival of Learning (FOL), kaya naman nagsisimula pa lamang akong makilahok at gumawa ng sarili kong workshop.

Masaya naman akong sumasabay sa mga datihang facilitator, sila ang tinitingnan kong mga guro or trainor. Sabi nga, “A good leader is a good follower.” Kung ano ang sinasabi nila sa akin, ‘yon ang sinusunod ko. Napapansin ko naman na maganda naman ang kinalalabasan ng workshop ko. Marami na rin akong natutunan sa maikling panahon na kasama ko ang mga facilitator, mga volunteers at friends ng ATD. 

Kahit minsan tinatanong ako ng aking asawa kung bakit sumama ako sa ATD. 

“Masaya ako sa ATD kasama ang mga volunteer facilitator. I want to serve people. If you serve people, you serve God.”

Kaya magaan sa loob ko na magbahagi ng aking kaalaman sa mga tao, lalo na ang mga kabataan. 

Likas na sa akin ang maglingkod sa aking kapuwa dahil sa isang dekada rin naman akong nanungkulan sa barangay bilang kagawad sa education committee. Kabahagi ako ngayon ng FOL, at hinding-hindi ko ito makakalimutan. 

Gusto n’yo ba na maging bahagi rin kayo ng Festival of Learning ng ATD?

Josephine Safra ay isang lola nakatira sa Tulay, Quirino Avenue, Manila. Mahilig siya magsulat and ito ang pinakaunang niyang artikulo.